Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Tatakbo ba si Sara?
Tatakbo ba si Sara?

Tatakbo ba si Sara?

SA programang “Kaya Mo Yan” sa DZRH noong Sabado, inudyok ni dating Tourism assistant secretary Ricky Alegre at kanyang co-host na si Lester Codog si HNP (Hugpong Ng Pagbabago) Secretary General Anthony del Rosario na mag-guest at sabihin na ano ba talaga ang totoong plano ni Mayor Sara Duterte – Carpio.

Ang Hugpong Ng Pagbabago ang official political party ni Mayor Sara. Nabuo ito kasama si former Governor Anthony del Rosario.

Palakas nang palakas ang panawagan para tumakbo si Mayor Sara, at kumakalat na ang napakaraming posters at billboard all over the country.

Kahit paulit ulit na sinabi ni Mayor Sara na hindi siya tatakbo sa 2022, at ilang beses na rin sinabi ng ama niyang si Pangulong Duterte na ‘di ito sangayon na tumakbo sa pagkapresidente and babae niyang anak. Pero mukhang ‘di naniniwala ang mga tao, matatandaang ganito rin ang naging eksena bago tumakbo si Pangulong Duterte.

So ano nga ba ang totoo? Paunlakan kaya ni former Governor and HNP Secretary General Anthony del Rosario ang imbitasyon at isiwalat na ang totoong plano?

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top