Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ruru at Shaira, nanguna sa tree planting
Ruru at Shaira, nanguna sa tree planting

Ruru at Shaira, nanguna sa tree planting

PINANGUNAHAN nina Ruru Madrid at Shaira Diaz ang isang tree-planting activity sa Antipolo na roon sila nagte-taping para sa kanilang upcoming episode sa ikalawang season ng GMA drama anthology na I Can See You.

Nitong mga nagdaang araw ay abala na sina Ruru at Shaira sa taping ng I Can See You episode na On My Way To You na makakasama rin nila sina Arra San Agustin at Richard Yap.

Sa kanilang rest day sa lock-in taping ay nagtungo sina Ruru at Shaira kasama rin sina Arra, Moly de Guzman, at Ashley Rivera sa Mount Purro Nature Reserve upang magtanim ng mga puno.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Ruru ang naganap na tree-planting activity, “Day 5 at the bubble. Today’s our rest day. So, we decided to plant trees and help save mother nature.”

Samantala, nakatakda ring pagbidahan nina Ruru at Shaira ang upcoming action-adventure GMA series na Lolong.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top