Wednesday , September 24 2025

Arjo at JC gustong makatrabaho ni Andrew Gan

PABIRTO ni Andrew Gan sina Arjo Atayde at JC Santos  at gusto niyang makasama ang mga ito sa isang proyekto.

Kuwento ni Andrew, ”Gusto ko makatrabaho at sundan ang yapak ni Arjo. Ang galing niya kasing umarte kahit anong role na ibigay mo sa kanya, nagagawa niya ng buong husay.

“Kaya alam kong marami akong matututuhan sa kanya kapag nakatrabaho ko siya sa isang proyekto.

“Hinahangaan ko rin si JC, katulad ni Arjo mahusay din siyang aktor, isa rin siya sa gusto ko makatrabaho someday.”

Umaasa si Andrew na mabibigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang dalawa. Pero sa ngayon, busy siya sa promotion ng pinagbibidahan niyang BL Series na Limited Edition na ginagampanan niya ang character ni Jethro na mai-inlove kay Mario (Jomari Angeles).

Makakasama rin ni Andrew sa Limited Edition sina Ron Angeles, Donna Caraan, Ruby Ruiz,  Iyah Mina, Michelle Jhoie Ferraris atbp. sa panulat ni Joni Fontanos at idinirehe ni Jill Urdaneta, produced nina Jojo Bragais at Michelle Jhoie Ferraris at mapapanood sa  Bragais TV (Youtube) ngayong March 2021.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Katrina Halili Katie

Katrina nakaaantig mensahe sa anak na si Katie  

MATABILni John Fontanilla NAANTIG ang puso ng mga netizen sa makabagbag damdaming birthday message ni Katrina …

Denise Frias

Dream na maging lawyer ni Denise Frias, malapit nang matupad

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HALOS abot-kamay na ni Denise Frias ang katuparan ng pangarap …

Angelica Hart Bitoy Michael V

Angelica Hart, goodbye na sa pagpapa-sexy

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKILALA man si Angelica Hart sa larangan ng pagpapa-sexy sa …

Carla Abellana

Carla sa mga animal abuser: dapat silang makulong

RATED Rni Rommel Gonzales SA magulo at tiwaling takbo ng buhay ngayon sa Pilipinas, may …

Cesar Montano

Cesar suportado rally sa Luneta at EDSA

RATED Rni Rommel Gonzales MAHALAGA kay Cesar Montano ang rally sa Luneta at EDSA laban sa matinding …