Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon Cuneta balik Viva with Rosanna Roces and Direk Darryl Yap sa movie na “Revirginized” (The return of the queen)
Sharon Cuneta balik Viva with Rosanna Roces and Direk Darryl Yap sa movie na “Revirginized” (The return of the queen)

Sharon Cuneta balik Viva with Rosanna Roces and Direk Darryl Yap sa movie na “Revirginized” (The return of the queen)

YES mula 80s, 90s and early 2000 ay si Sharon Cuneta ang nag-iisang reyna at walang iba pa ng Viva Films.

Sa entertainment press nga kapag si Sharon ang isinulat mo ay marami kang matatanggap na biyaya kaya siya lang ang may hawak ng tronong ito lalo’t lahat ng movies na ginawa ng megastar sa Viva ay pawang blockbusters.

This year ay balik Viva si Sharon, at makakasama niya sa kanyang comeback movie na gaganap na bestfriend ay si Rosanna Roces at Marco Gumabao bilang leading man.

Yes, masu-surprise kayo kapag napanood ninyo ang movie ni mega na “Revirginized” kung bakit ang sikat na hunky actor ang kanyang katambal sa film na ito na directed by young blockbuster director na si Darryl Yap.

Kaya sa mga detractors ni Sharon, eat your heart out at bellatt sa inyong lahat ‘no!

Samantala sobrang touced si Rosanna Roces sa mga papuri sa kanya ni Shawie at sa shooting nila sa Subic after take ay tawanan nang tawanan sila.

Sobrang blessed raw si Osang at napapaligiran siya ng mga tamang tao, base pa sa caption niya sa kanyang larawan na kanyang pinost kahapon sa kanyang Facebook account: “Ganyan ang aura ‘pag napapaligiran ka ng mababait at masasayang tao. Pati mga taong pinapangarap mo lang makasama (she’s referring to Sharon Cuneta). Magiging maganda pa sa magandang umaga ang umaga mo.”

Ito naman ‘yung post ni Shawie na sobrang ikina-touched at iki-flattered ni Osang.

“I am excited to work with Osang Ms. Rosanna Roces @therealrosannaroces in my new movie. Napakatotoong tao at napakahusay na artista niya at sa movie namin siya ang lalabas na bestfriend ko! Aalis na ako bukas (Feb.28) my dear Sharonians, para sa location namin at first shooting day namin sa Monday (which March 1)! Excited to work with Direk Darryl Yap – no’ng ikinuwento niya sa akin ang story ng movie namin tawa ako nang tawa, pero naiyak ako sa ending at may kurot sa puso.

“Ganyan kagaling si Direk Darryl. Buti na lang sa panahon ng pandemya na walang sinehan, my platforms tulad ng Viva Max, kung saan lalabas movie namin.

“Sana po abangan ninyo! Masaya at ibang-iba po ako rito! Love you all! Please pray for our safety and protection and the success of our movie. Thank you all, so much (with 3 heart emoticon).”

After ma-post ni Sharon sa kanyang social media account ay agad dinagsa ng followers niya sa IG o Instagram si Osang, napatunayan na hanggang ngayon ay sikat pa rin ang isang Sharon Cuneta.

Bukod kay Rosanna at actor na anak na si Dennis Cruz (dating Onyok) at Marco ay makakasama rin ni Shawie sa “Revirginized” sina Albert Martinez at Cristina Gonzales atbp.

Sa Subic ang location ng shooting nila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top