Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mavy boto kay Darren: JD paano na?
Mavy boto kay Darren: JD paano na?

Mavy boto kay Darren: JD paano na?

PAANO nga iyan, inila-loveteam ng kanilang network si Joaquin Domagoso kay Cassey Legaspi, pero iyong kanyang pamilya, lalo na ang kakambal na si Mavy, mukhang pabor naman sa panliligaw ni Darren Espanto sa kapatid na kung tawagin pa niyon ay ”brother in law.

Kung sasabihin nila na ang love team ay hanggang sa TV lamang at sa totoong buhay ay wala talaga, baka mahirapan silang makakuha ng following. Alam naman ninyo ang mga Pinoy, gusto nila basta love team ay totohanan at kung hindi, ayaw na nila. Nakita na ninyo ang nangyari sa AlDub, napakalakas niyon at sasabihin ba ninyong babagsak ng ganyan matapos aminin ni Maine Mendoza na ang tunay niyang boyfriend ay si Arjo Atayde?

Ito naman, walang choice ang network dahil nasa kalabang network pa nila si Darren. Obligado rin naman sila na bigyan ng trabaho sina Joaquin at Cassey na parehong naka-kontrata sa kanila.

Pero dahil talagang wala nga, extra effort ang kailangan nila sa promo ng serye na iyan dahil baka kung hindi ay wala ring mangyari.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top