Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maribel Aunor, active rin sa social media para suportahan ang daughters na sina Marion Aunor at Cool Cat Ash
Maribel Aunor, active rin sa social media para suportahan ang daughters na sina Marion Aunor at Cool Cat Ash

Maribel Aunor, active rin sa social media para suportahan ang daughters na sina Marion Aunor at Cool Cat Ash

Hindi lang ang VAA (Viva Artists Agency) talent singer-actress na si Marion Aunor, ang masaya sa pagkakasama niya sa big comeback movie project ni Sharon Cuneta sa Viva Films, gayon din ang beloved Mom nito na si Maribel Aunor.

Yes everytime na may project sina Marion and her sister Cool Cat Ash ay happy and proud ang kanilang kind and very supportive mother na dating big star sa industry na ngayo’y isang very successful businesswoman.

Tuwing may gig o any event ang mga anak gaano man ka-busy si Ma’am Maribel sa kanyang mga negosyo ay naglalaan siya ng oras para mai-promote ang guestings nina Marion and Ashley kaya kung gusto mo silang isulat bisitahin lang ang official FB account ng dating miyembro ng “Apat na Sikat” na naging prinsesa noon ng Alpha Records sa rami ng ginawang hit songs like “Ah, Ewan” na road to 150K na ang views sa YouTube at ginagamit na rin ngayon ng tiktokers na fans ni Ma’am Maribel.

Sama­ntala aside sa kanyang pinatatak­bong manpower agency na Golden Legacy Jobmovers Corporation na siya ang Presidente at CEO ay nasa realty business rin ang dating singer-actress sa ilalim ng kanyang La Aunor Realty Holdings Corp., at may training school pa for Nihongo ang JLPT Technical Education, na accredited ng TESDA.

Nakamit lahat ng tagumpay na ito ni Ma’am Maribel sa sipag at tiyaga at diskarte siyempre at malaking factor ‘yung pagiging sikat niya noon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top