Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kate tinututukan ng GMA
Kate tinututukan ng GMA

Kate tinututukan ng GMA

ISANG rebelasyon na dati pala ay muntik nang huminto si Kate Valdez sa pag-aartista para mag-focus sa pag-aaral.

“Hindi naman totally quit,” pahayag ni Kate, “parang ayoko naman niyon, open naman po ako na kung habang nag-aaral ako tapos may biglang work, kaya naman siguro i-adjust, kaya namang gawan ng paraan.

“So I’m very open, ayaw kong bitawan eh, kasi ito na ‘yung ginagawa ko.”

Nagbunga naman ang pagtitiyaga ni Kate sa showbiz. Sa mga youngstar ng GMA, bukod kina Barbie Forteza, Jillian Ward, Kyline Alcantara, at Bianca Umali, si Kate na ang binibigyan ng atensiyon ng GMA.

“Masaya po ako of course, dahil sa dinami-dami ng actors dito sa GMA, napapansin naman ako at binibigyan pa rin ako ng chance to inspire people at i-showcase ko pa rin at gusto pa rin nila akong mag-grow as an actor, so sobrang pasasalamat ko po sa network, sa GMA Artist Center, na gusto pa nila akong makitang may magawa pang ibang…may makatrabaho pang mga veteran actors and actresses,” nakangiting sinabi pa ng magandang Kapuso actress.

Equal billing na sila ni Barbie sa Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday, hindi ba nakaka-pressure sa kanya?

“Nakaka-pressure po sa akin, pero mas nangingibabaw kasi ‘yung saya ko, dahil nga magaan ‘yung mga katrabaho ko, directors, mga staff, ganyan, ‘yung mga tao sa set, kaya hindi rin ganoon… na-i-ease rin ‘yung pressure, kasi puro tawanan, ganyan, puro kuwentuhan, so ayun.”

Samantala, ngayong Sabado sa Magpakailanman (MPK), panoorin ang kakaibang kuwentong pag-ibig ni Christine. Patutunayan niya na hindi dahil isa siyang babae ay hindi na siya pwedeng gumawa ng unang hakbang para magka-lovelife. Para kay Christine, hindi lang lalaki ang puwedeng umamin ng nararamdaman niya para sa taong mahal niya. Kaya naman, halos maubos niya ang alphabet kaka-plano para mapansin lang siya ng super crush niyang si Enzo.

Pero si Enzo, naaasiwa sa kakulitan ni Christine. Hindi rin niya trip ang palaging over-the-top na attire nito. Dumating na sa punto na halos itaboy na nito palayo si Christine. At tulad ng ibang lalaki na nasasaktan at nawawalan ng pag-asa, gusto na ring sumuko ni Christine.

Abangan sa #MPK ngayong Sabado, February 27, ang pagganap nina Kate at Migo Adecer sa isang kuwentong puno ng hugot, aral sa buhay, at pag-ibig. Makakasama rin nila sa episode sina Karenina Haniel at Jerrick Dolormente.

Ang My Stalker Girlfriend ay sa ilalim ng direksiyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Loi Nova at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top