Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Lloyd Cruz napaso (Deadma sa Ellen-Derek love affair)
John Lloyd Cruz napaso (Deadma sa Ellen-Derek love affair)

John Lloyd Cruz napaso (Deadma sa Ellen-Derek love affair)

HINDI apektado si John Lloyd Cruz sa pag-amin ng dati niyang live-in partner na si Ellen Adarna na sila nga ay may relasyon na ni Derek Ramsay. Ano pa nga ba ang inaasahan ninyong reaksiyon ni John Lloyd eh matagal na rin naman silang naghiwalay ni Ellen. Hindi rin naman masasabing maganda ang paghihiwalay nilang dalawa dahil una humingi pa ng permanent protection order mula sa korte si Ellen para hindi makalapit si John Lloyd sa kanya at sa kanilang anak. Mabuti nga at nabago rin iyon kaya nakakasama na ni John Lloyd ang kanyang anak kahit na paminsan-minsan lang.

Simula naman nang magkahiwalay sila, wala pang bagong love life si John Lloyd. Inaasikaso muna niya ang kung ano-anong negosyo na gusto niyang pasukan, bukod nga sa nagsimula na siyang gumawa ng pelikula kaya naka-lock-in na rin siya.

May mga nagsasabi rin na tila raw napaso si John Lloyd sa kanilang relasyon ni Ellen, dahil tinalikuran niya ang kanyang career, walang dudang napakalaki ng nawala sa kanya dahil doon, at tapos ay bale wala rin naman iyong kinahinatnan. Makikita mo naman na sincere si John Lloyd na iwanan ang career. Katunayan nagsimula na siyang magpagawa ng isang bahay sa Cebu at nakahanda na roon mag-settle, kahit na ang pamilya niya ay nasa Antipolo. Talagang desidido siya noon na ibigay na kay Ellen ang lahat lalo na nga at may anak na sila. Pero sa wala rin nga nauwi.

May isang kaibigan si John Lloyd na nagsabing mukha raw matatagalan bago ma-in love muli si John Lloyd.

Hindi mo naman siya masisisi dahil nga sa nangyari, at siguro wise nga magpalipas muna siya ng panahon para lubusang mawala na ang mga hinanakit at agam-agam dahil sa nangyari. Kasi siyempre kung magmamadali siyang pumasok sa panibagong relasyon, baka hindi rin maganda iyon para sa kanya. Kasi masyado siyang magdududa.

Tama lang naman na magpalipas muna ng panahon si John Lloyd bago ma-in love ulit.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top