Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janine excited kay Enchong
Janine excited kay Enchong

Janine excited kay Enchong

May listahan si Janine Gutierrez ng mga nais niyang makatrabaho sa ABS-CBN.

“There’s of course Anne Curtis, Angelica Panganiban, Angel Locsin, ‘yan talaga ‘yung mga idol ko. There’s also Jodi (Sta. Maria) and Iza (Calzado), so  many women I look up to. 

“With so many good projects, na it’s a mixture of, ‘Ang ganda ng teleserye niya pero nakakagawa siya ng magandang pelikula!’

“And ang ganda lang niyong trkbo ng mga career nila and ngayon, ‘di ba even Ms. Jodi is producing which is something I also wanna learn eventually.

“So ang dami ko talagang iniidolo rito (ABS-CBN),” ang bulalas pa ni Janine.

“Siguro sa lalaki naman I’m looking forward to working with Paulo kasi we did a movie together so happy ako na parang mayroon na akong kaibigan dito,” pagtukoy naman ni Janine kay Paulo Avelino.

Matagal ng magkaibigan sina Janine at Enchong Dee.

“So excited din ako na makasama siya rito. And I’m sure sa ‘ASAP Natin ‘To’ magkikita kami.”

Nasa listahan din ni Janine sina Jericho Rosales, JC Santos (na leading man niya sa bago niyang pelikulang Dito At Doon ng TBA Studios), Carlo Aquino at Gerald Anderson.

“Marami talaga, so excited ako kung saan ako maipupuwesto.

“Actually hindi ka talaga mauubusan ng mga pangarap mong makatrabaho.”

Gusto ring makatrabaho ni Janine si Regine Velasquez-Alcasid.

“Siyempre hindi ko kayang kumanta with Ms. Reg,” at natawa si Janine, ”pero idol ko rin siya sa mga aktingan.”

Marami ngang nagsasabi (noong nasa GMA pa si Janine) na kung may Liza Soberano ang ABS-CBN, may Janine Gutierrez naman ang GMA.

“Oh my God! Of course, Liza! Alam mo I didn’t mention her because never ko na-imagine that I would actually be, maybe close to the possibility na makatrabaho siya.

“But I am a LizQuen fan and I love Liza, I love Liza. Sobrang fan ako, so yeah, oh my God! If ever, that would be amazing.”

Ang movie nina Janine at JC na Dito At Doon ay ipalalabas na sa mga sinehan sa March 17m mula ito sa TBA Studios at idinirehe ni JP Habac.

Sa pelikula ay isang babaeng “no boyfriend since birth” (NBSB) ang karakter ni Janine bilang si Len. Nasa movie rin sina Victor Anastacio, Yesh Burce at ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top