Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Joven, tiniyak na pampa-good vibes ang pelikulang Ayuda Babes
Direk Joven, tiniyak na pampa-good vibes ang pelikulang Ayuda Babes

Direk Joven, tiniyak na pampa-good vibes ang pelikulang Ayuda Babes

SI Direk Joven Tan ang isa sa in demand na direktor ngayon sa bansa. Last December ay naging entry niya sa MMFF ang Suarez: The Healing Priest na pinagbidahan ni John Arcilla.

This week ay ipalalabas naman ang latest movie niya titled Ayuda Babes.

Paano niya ide-describe ang pelikula? Tugon ni Direk Joven, “Masaya lang siya, masaya… pang-alis ng problema, kahit mga isa’t kalahating oras, makalimot ka sa mga iniisip mong problema sa buhay.

“Wala iyong pretention na malalim o ano, good vibes lang talaga ang movie.”

Dahil panahon pa rin ng pandemic, nahirapan ba siya sa shooting? Aniya, “Medyo mahirap, because of the protocol. Pero tiyaga-tiyaga, medyo mas mabagal gumawa ngayon, kasi nga maraming bawal, hindi puwedeng umabot ng… kasi kami parang 6pm lang kailangan tapos na, hindi kami katulad dati na kahit madaling araw, puwede.

“Iyon ‘yung ano, medyo bumagal lang nang kaunti. So, unti-unti, putol-putol, mga two months siguro inabot… putol-putol kaming nag-shooting.”

Anong reaction niya na kahit panahon ng pandemic ay ang dami niyang projects? Naka­ngiting saad ni Direk Joven, “Masipag lang, kumbaga parang ano lang naman ‘yun e, parang positive lang dapat, dasal-dasal, ayusin ang trabaho, di ba? Huwag abuso… kaya siguro tuloy-tuloy din ang pagdating ng work.”

Ang Ayuda Babes ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions. Tampok dito si Gardo Versoza, with Christi Fider, Zeus Collins, Bidaman Dan Delgado at may special participation sina Marlo Mortel at Marc Logan. Pinagsama-sama rito ang magagaling na komedyanteng sina Ate Gay, Negi, Iyah Mina, Petite, Joey Paras, Brenda Mage with Juliana Parescova Segovia, at Bernie Batin.

Ipalalabas ang Ayuda Babes sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula March 5.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top