Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bea to Ian — Sana makahanap ako ng kasingbuti mo
Bea to Ian — Sana makahanap ako ng kasingbuti mo

Bea to Ian — Sana makahanap ako ng kasingbuti mo

MALILIWANAGAN na ang netizens na nag-iisip na boyfriend ni Bea Alonzo si Dominique Roque dahil nga sa mga ipino-post nilang mga larawan na magkasama sila sa mga lakaran kaya masasabing magkaibigan lang sila.

Sa latest vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel na si Ian Veneracion ang special guest ay nabanggit ng aktres na, ‘sana makahanap ako ng kasing buti mo bilang tatay pero hindi asawa ha, haha.’

Obviously kung magdyowa na sina Bea at Dom ay hindi ito masasabi ng dalaga.

Anyway, ang bungad ng aktres sa kanyang YT, ”I had dinner with this guy, and I decided to film it. Buti na lang I did, because now, I can finally share with you how much fun I have whenever I would hang out with him. We always have the most interesting conversations.”

Nagkasama at naging close sina Ian at Bea noong ginawa nila ang A Last to Love TV series taong 2017 at simula noon ay open na ang komunikasyon nila.

Maraming napag-usapan ang dalawa sa vlog tulad ng ligawan, flirting, mga first move in dating kung nagawa na nila ito.

Sabi ng actor, hindi niya nagawa ang flirting dahil nga may asawa siyang tao pero kapag nagagandahan siya sa isang babae ay sinasabi niya ng diretso dahil hindi naman niya ito kilala.

Pero si Bea ay kinilig nang may nag-flirt sa kanya, ”I think nangyari sa akin ‘yan sa Canada may guwapo talaga na lalaki across the room kamukha niya si Ryan Gosling and then parang nag-smile siya kilig na kilig ako nag-isip ako na parang bet ako or something tapos hindi ko na alam kung anong next move ko tapos nag-smile lang ako ang that’s it.”

Tanong ni Ian, ”Bakit ka nahihiya hindi mo naman siya kilala. You could go into his table and said ‘hello, I’m ano, have coffee with me, tapos!

“From a guys’ point view parang ‘wow, feisty ‘di ba? Kung hindi ka naman niya type sasabihin niya ‘no, thanks!”

Say naman ng aktres, ”So parang pogi points sa kanya kasi may nag-approach sa kanyang girl, either way he would feel good.”

Hirit pa ng dalaga, ”Eh, mambobola ka (sabay tawa) sa ‘yo pa nanggaling ‘yan?”

“Ako?” tanong ng aktor.

Natawa si Bea, ”wala ka ng mabibiktima sa ganyan hindi na effective.”

“Hindi na effective sa ‘yo?” natawang sabi ng aktor.

Samantala, kahit mambobola si Ian, para sa dalaga ay hanga siya sa pagiging ama nito sa mga anak at nagpasalamat naman ang aktor sa kanya.

Ending hiningan ni Bea si Ian ng payo kung dapat na siyang mag-asawa dahil 33 na siya.

“No!” mabilis na sagot ng aktor.

“No?  I shouldn’t?” say ng aktres.

Payo ni Ian, ”I think you should have a kid.”

“But not get married, why?” tanong ng dalaga.

“Yeah, sabi nga ng kaibigan ko, ‘kung gusto mo ng bacon, hindi mo kailangang bitbitin ‘yung buong baboy.

“Ako I say this with most sincerity care for you, I really think that a child would improve the quality of your life, a marriage wouldn’t. Base on what I know about you and how I know you.”

Para kay Bea, ”I want to have a partner for life, I want to have someone to be there to raise a family, build the life with at sana makahanap ako ng kasing buti mo bilang tatay pero hindi asawa ha, haha. Actually, I don’t like a boring life, a boring family life. Siguro push pa natin hanggang 35 (edad).”

Hayan, maliwanag na walang karelasyon si Bea dahil kung mayroon ay hindi niya ito masasabi. Puwede sigurong date-date lang sila ni Dominique.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top