Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Teaser ng ‘TARAS’ movie na pinagbibidahan ni Dennis Cruz mala-Hollywood
Teaser ng ‘TARAS’ movie na pinagbibidahan ni Dennis Cruz mala-Hollywood

Teaser ng ‘TARAS’ movie na pinagbibidahan ni Dennis Cruz mala-Hollywood

LAST Feb 20, kinunan sa dalawang location sa condo ni Direk Reyno Oposa sa SMDC Tower 9 sa Fairview at sa Payatas ang latest movie nito na TARAS na intended for Cinemalaya.

Dumalaw kami sa set ng movie sa Payatas sa mismong lumang bahay ni Direk Reyno at kinunan sa lugar nila ang eksena ni Dennis Cruz (anak ni Rosanna Roces), newcomer leading lady na si Kate Dennis Li, at ang vlogger na ngayo’y pinasok na rin ang showbiz na si Thania Pukutera from Mindoro.

Ang eksena ay nasa loob ng kotse sina Dennis at Kate, habang si Thania ay binebentahan sila ng tindang basahan. Bale suki na ng said vlogger si Dennis ng kanyang basahan. Sa huli ay magiging mitsa pala ng kanyang buhay dahil papatayin siya rito ng character ni Dennis na isang rude guy, walang pakialam sa mundo.

Naunang kunan ‘yung condo scene ni Dennis na inaaway ang sarili na idinirek via zoom ni Oposa. Ayon sa director-writer ay napabilib siya sa anak ni Osang na mahusay umatake ng kanyang role.

Para naman kay Dennis, malaki ang pasasalamat niya kay Direk Reyno sa ibinigay na oportunidad sa kanya para pagbidahan ang TARAS.

Kasama rin sa pelikula ang Urduja Best Actress na si Elizabeth Luntayao, na gaganap bilang mother ni Thania. Inilabas na ang poster at teaser ng movie at mapapa-wow ka dahil mala-hollywood movie ang dating ng said poster na si Neil Espirito ang nag-layout. Cinematographer din siya ng film.

Ang kanilang teaser, na mapapanood naman sa YouTube channel ni Direk Reyno (Reyno official) na sa sobrang ganda ay mapahahanga ka kapag napanood ito dahil pawang mahuhusay ang mga actor na gumaganap dito.

Co-directors ni Oposa sa TARAS, sina Benedict Pioquinto at Jessamine Maranan. Nasa credit rin ang inyong columnist bilang matagal nang publicist ng Ros Film Productions na pag-aari ni Direk Reyno Oposa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top