Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo Pascual nganga sa TV5
Piolo Pascual nganga sa TV5

Piolo Pascual nganga sa TV5

PAGKATAPOS matsugi sa ere ng Sunday Noontime Live (SOL) ng TV5, na isa sa host si Maja Salvador, napabalita na lilipat naman siya GMA 7.

Pero wala pala itong katotohanan. Magpapatuloy ang pagiging “kapatid” ng aktres.

May gagawin kasi siyang serye sa TV5, na pagtatambalan nila ni Empoy.

O ‘di ba, hindi pinakawalan ng TV5 si Maja! Eh si Piolo Pascual kaya, ano ang next project na ibibigay sa kanya ng TV5?

Isa rin siya sa naging host ng nasabing noontime show. At sa pagkawala nga ng SNL ay nganga na rin siya sa telebisyon.

At least si Maja, may gagawing serye sa Kapatid Network.

Bigyan din kaya si Piolo ng another show? At serye rin kaya ang ibibigay sa kanya since mas kilala naman siya bilang aktor kaysa host?

Ma­nanatili rin kayang ‘kapatid’ si Piolo? O maiisipan niya nang bumalik sa ABS-CBN, na iniwan niya after hindi i-renew ng NTC ang franchise nito?

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top