Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maja gagawa ng serye sa TV5
Maja gagawa ng serye sa TV5

Maja gagawa ng serye sa TV5

MANANATILI na raw si Maja Salvador sa TV5 at mukhang may gagawin na rin siyang isang teleserye sa network. Hindi maliwanag sa amin kung ang network na mismo ang producer ng gagawin niyang serye o isang independent blocktimer pa rin. Siyempre mas matibay kung iyon ay network produced.

Mahirap din naman ang naging sitwasyon ni Maja. Isa siya sa mga host ng kanilng dating show sa ABS-CBN, kagaya rin ni Piolo Pascual. Pero nakumbinsi siyang lumipat dahil nawalan na nga ng franchise ang network at hindi na nila alam kung ano ang mangyayaring kasunod. Naging dagok sa kanila noong malamang wala na palang natirang sosyo sa network ang dating chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez na ngayon ay nasa US na.

Tapos dumating nga iyong offer na mas mataas na ‘di hamak ang ibabayad sa kanya, at ang matindi roon ang magiging director nila ay si Johnny Manahan na siyang nagsimula at nagpataas ng ratings ng dati nilang show. Eh sa totoo lang, marami sa kanilang mga artista ang bilib kay Mr. M kaya nang umalis iyon sa ABS-CBN, marami na rin ang umalis at lumipat sa ibang management companies.

Eh kaso nasilat din naman dahil matapos ang tatlong buwan, hindi pa umaangat ang kanilang ratings lumabas na napakalaki ng gastos ng kanilang show, mas malaki pa raw kaysa gastos ng ABS-CBN sa show nila, itinigil iyon ng producer.

Malabo namang matapos na mangyari ang ganoon ay magbalik siya sa ABS-CBN. Ang susunod na maaari niyang gawin ay lumipat sa isa pang malaking network, ang GMA 7, kaso hindi naman nagpakita ng interest sa kanya ang network. Mabuti naging interesado sa kanya ang TV5 dahil kung hindi, parang nasinok ang kanyang career. Mas kilala siya sa TV kaysa pelikula, kaya ok na rin iyang kinuha siya ng TV5.

Titingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang gagawing serye. May shows naman na sumikat noon sa TV5. Iyong tv show ni Ryan Agoncillo na mataas ang ratings. Iyong dance program ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez mataas din ang ratings niyon. Si Willie Revillame ok din naman ang ratings sa kanila. Pero noong magpilit silang makipagsabayan sa mga shows ng ABS-CBN  at GMA, bumaliktad sila.

Ngayong nasa kanila ulit si direk Perci Intalan, tingnan natin kung ano ang mangyayari.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top