Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ivana Alawi gandang-ganda kay Andrea
Ivana Alawi gandang-ganda kay Andrea

Ivana Alawi gandang-ganda kay Andrea

SA March 12 ay ipagdiriwang ni Andrea Brillantes ang kanyang 18th birthday. Dalaga na pala ang dating child star. At lalo siyang gumanda at ang sexy niya, ha?

Sa latest pictorial nga niya na ipinost sa kanyang  Instagram account ay isa si Ivana Alawi sa nag-comment.

Sabi ni Ivana, ”Ay ganda!”

O ‘di ba, pati si Ivana ay humanga sa angking ganda at kaseksihan ngayon ni Andrea.

Ngayong dalaga na  si Andrea, pwede na kaya siyang magka-boyfriend?

At kung sakali, ang ka-loveteam niya kayang si Seth Fedelin ang una niyang maging boyfriend?

Bongga kung magkakaroon sila ng relasyon, bukod sa pagiging loveteam. Ang mga tagahanga naman kasi, ang gusto nila kung sino ang loveteam ay maging sila rin sa totoong buhay.

Ganoon ang ilusyon nila, ‘di ba? Pero hindi kaya may relasyon na talaga ang dalawa at itinatago lang nila ‘yun sa publiko?

Kapag magkasama kasi sila ay sobra ang sweetness nila at bagay naman sila ha.

Maganda si Andrea at guwapo si Seth.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top