Friday , June 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Heart may pa-bday sa mga batang ulila
Heart may pa-bday sa mga batang ulila

Heart may pa-bday sa mga batang ulila

PINILI ng Kapuso artist na si Heart Evangelista na i-celebrate ang kanyang belated 36th birthday kasama ang mga madre sa Jardin de Maria Orphanage sa Sorsogon.

Last February 14 ang kaarawan ni Heart.  Hindi na bago ang pagtulong sa kanya but this time, mga batang walang magulang o guardian ang binigyan niya ng biyaya.

“With the sisters of the Jardin de Maria Orphanage for a little late birthday celebration,” saad ni Heart sa kanyang Instagram.

Noong kasagsagan ng pandemic, inilunsad ni Heart ang Big heart PH, isang charity work na ang layunin ay makapagbigay ng tablets sa mag-aaral sa kanilang online classes.

Isang painting din ang kanyang ibinenta at ang perang nakuha ay napunta sa pagbili ng 500 tablets.

Ang asawa niyang si Chiz Escudero ang kasalukuyang governador ng Sorsogon. Kahit lumaki sa siyudad, at home na at home si Heart sa Sorsgogon, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top