Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Bangkay ng babae natagpuan sa Cagayan
Bangkay ng babae natagpuan sa Cagayan

Bangkay ng babae natagpuan sa Cagayan

NATAGPUAN sa magubat at mataas na bahagi ng Brgy. Casagan, sa bayan ng Sta. Ana, lalawigan ng Cagayan, ang naaagnas na katawan ng isang hindi kilalang babae nitong Biyernes, 26 Pebrero.

Ayon sa pulisya, nakasuot ang babae ng maong na pantalon at kulay rosas na kamisetang may nakaimprentang mga salitang “We make change work for women” na natagpaun dakong 11:00 am noong Biyernes.

Ani P/Maj. Ronald Balod, hepe ng Sta. Ana police, nadiskubre ang katawan ng biktima, umaga ng Biyernes ngunit naiulat lamang sa mga awtoridad dakong 2:30 pm ni Barangay Chairman Jeorge Peneyra.

Dinala ng pulisya ang labi ng biktima sa Rural Health Unit para suma­ilalim sa post-mortem examination.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top