Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alex Gonzaga namudmod ng ayuda sa Taytay at iba pang lugar (Bilang pasasalamat sa 10M subscribers!)
Alex Gonzaga namudmod ng ayuda sa Taytay at iba pang lugar (Bilang pasasalamat sa 10M subscribers!)

Alex Gonzaga namudmod ng ayuda sa Taytay at iba pang lugar (Bilang pasasalamat sa 10M subscribers!)

NANG mapanood ko ang latest vlog ni Alex Gonzaga kasama ang uncle na si Jojo na namimigay ng ayuda na 1K to 3K sa bawat taong nakikita sa Taytay, Rizal at iba pang kalapit na lugar, kabilang ang mga rider at security guard.

Bilang pasasalamat ni Alex na naabot na niya ang US$10 million (and still counting) subscribers, ang YoUTube channel ay agad kong tinext si Mommy Pinty sa pagkakawanggawa ng loving daughter niyang ito, na hindi nagdamot ng kanyang blessings sa viewers and subscribers ng kanyang vlog.

“Yes!”

Ayon kay Mommy Pinty, sariling desisyon ni Alex na mag-share ng P100K sa mga sumusuporta sa kanya, kahit nga hindi at mali ang sagot sa mga pakikay.

Ang mga hirit na tanong ay binigyan pa rin ng 1K ng singer-actress-vlogger.

Ito raw ang munting way ni Alex para makapagpasaya sa kanyang fans and supporters na laging nanoood ng kanyang vides.

Well dahil sa kabaitang ipinakita ng bunso nina Mommy Pinty at Daddy Carlito ay lalo pa siyang ibe-bless ni Lord. And in fairness to Mommy Pinty bagay sa kanya ang titulong “Famous Social Media Personality Mom,” dahil majority nang ini-interview ni Alex ay kilalang-kilala siya.

Going back to Alex after ng TVC sa Villarica Pawnshop, soon ay magso-shoot naman siya ng bago niyang TVC para sa Vitamilk, na matagal na niyang ini-endorso.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top