Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Silang-Batangas expressway malapit nang buksan
Silang-Batangas expressway malapit nang buksan

Silang-Batangas expressway malapit nang buksan

MALAKING ginhawa sa mga motorista kapag nabuksan ang higit sa 41 km east-west road expressway sa 3rd quarter mula Silang hanggang Batangas ngayong taon 2021.

Nagsagawa ng final inspection si Secretary Mark Villar sa portion ng Amadeo section sa Cavite na may tatlong kilometrong bahagi ng 41.67 kms na nakatakdang buksan sa mga motorista sa susunod na buwan.

Habang ang bahagi ng east-west road expressway sa Silang ay bubuksan sa 2nd Quarter ngayong taon.

Magiging 30 hanggang 40 minuto na lamang umano ang magiging travel time ng mga motorista mula Silang hanggang sa Nasugbu sa oras na mabuksan ang naturang expressway.

Ayon kay Villar, magiging full operational ang east-west road expressway mula Silang, Cavite hanggang Nasugbu sa Batangas sa 3rd quarter ngayong taon 2021 na bahagi pa rin ng Build Build Build program ng Duterte administration.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top