Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vicki nang magpakamatay si Hayden; I prayed na make him normal, I won’t leave him
Vicki nang magpakamatay si Hayden; I prayed na make him normal, I won’t leave him

Vicki nang magpakamatay si Hayden; I prayed na make him normal, I won’t leave him

KAHAPON ay isinulat natin kung paanong nagkakilala sina Dr Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Ito’y sa interbyu sa kanila ni Toni Gonzaga.  Nasundan ang pagkakakilalang iyon sa  pagdalaw-dalaw na ni Hayden para raw mag-observe sa surgeries pero may dalang chocolate ha.

“Bakit ka nagdadala, nanliligaw ka na?” tanong ni Toni kay Hayden.

“Nakakahiya kayang pumunta ng walang dala, sabi ng mama ko na kapag bibisita ka, dapat lagi kang may dala,” katwiran ng guwapong hubby ni Vicki.

At nasundan ang pagkikita ng dalawa ng madalas thru dinner o lunch hanggang sa napansin ng doctora na tila nagpi-flirt sa kanya ang binata.

Hanggang sa naging couple na sila at umingay na ang kanilang relasyon dahil noong dumalo ng dinner ang guwapong doctor sa bahay ng mga Belo ay naroon ang reporter ng TV Patrol na si Mario Dumaual.

“Okay kami noon until Mario saw us and it became public and suddenly all eyes on him and ‘who is this guy?’ tapos nagkaroon ng problema kasi my friends told na so young,” pahayag ni Belo.

Bakit malaking isyu na makipag date sa younger guy, ano raw problema?

Nabanggit pa na sobrang laki ng respeto ni Belo kay Hayden dahil sa edad na 25 ay marami ng achievements bilang doktor kompara noong edad 25 siya na may asawa na.

“So in my mind, nobody will look at Hayden as boytoy kasi hindi naman siya typical boytoy. Doktor naman ‘to, pero ang nangyari all my friends judged him, so na-shocked din siya kasi in his mind he was respected in UST,” kuwento pa.

“In my world, the world that I knew parang okay na okay ako, ‘yung self-esteem ko mataas na mataas ‘coz I’m achieving this much in the shorter span of time. ‘Yung future na envision ko sa sarili ko better than others, more opportunities ganyan. Tapos biglang lumabas ‘yung isyu na ‘yun (sila na ni Dra. Vicki), parang nag-iba. All of a sudden wala akong na-achieve at all that became the identity crisis,” pagtatapat ni Hayden.

At ang daming pagsubok sa naging relasyon nila tulad ng video scandal ni Hayden na umabot pa sa Senado ang imbestigasyon noong 2009.

“You know, what people don’t understand is nalaman ko everything in December, 2008. Parang we went through it together. So December I found out, we broke-up January, February, March, April. We were apart for four months,” say nito.

At sa paghihiwalay nila ay gumulo na ang buhay ni Hayden at may nanloko pa sa kanya tungkol sa video na kailangang magbigay ng malaking halaga para hindi kumalat.

At ang tanging kinapitan ni Hayden ay ang pamilya niya para maka-recover at hindi rin siya iniwan ni Vicki at siyempre si God.

”Kung ako lang, on my own, I won’t be able to survive. So I think, my family, Vicki, interestingly siya ‘yung na-offend ko, siya pa ‘yung ka-help ko roon, and most importantly, people might find this corny, but it’s really God.

“Looking back, now I realize that it’s very true that sometimes God allows you to go through shameful things because that’s actually grace and mercy. Na ‘yun na lang ang papa-experience niya sa ‘yo just to wake you up.”

“What people don’t know, is that, for three days, he didn’t wake up. So I was, who else was gonna take care of him ‘di ba? So I was the one.

At ang panalangin ni  Vicky, ”I really prayed so hard. I went to the chapel, I prayed. I was like, ‘Mama Mary, if you just make him normal, I won’t leave him.”

Sakto after three days ay nagising si Hayden, ”I was very sure that Hayden was very kind. There was no problem with me.

Sabi naman ni Hayden na isinurender niya ang sarili sa Panginoong Diyos,”You can’t know what love is without understanding, who Christ is. I experienced God’s love through my wife Vicki.”

At doon na nagsimula ang maganda nilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak na si Scarlet at kasama nila noong ikasal sila sa Paris noong 2017.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top