Friday , June 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kitkat at Janno, tsinugi na sa Happy Times?
Kitkat at Janno, tsinugi na sa Happy Times?

Kitkat at Janno, tsinugi na sa Happy Times?

NAPANIS kami ng kahihintay noong Martes ng gabi para sa sinasabing official statement na ipalalabas para sa naging pag-uusap ng Net25 management at nina Kitkat at Janno Gibbs.

Minura ni Janno si Kitkat at hinagis ang mikropono habang nagte-taping ng Happy Times. Nasaksihan iyon ng guest nila that time na si Marco Sison at ng iba pang present sa taping. Bagamat walang nagsalita sa dalawa sa nangyari, naging palaisipan ang mga post ni Kitkat patungkol sa kabutihang asal.

At noong Martes pinag-ayos sila at nag-post si Kitkat ng, ”Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA!

“Sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DIYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko, nararapat lamang na ako ay magpatawad makakagaan sa aking buhay at loob.

“Opo sa lahat ng nangyari, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA thank YOU LORD for the strength.”

Hindi ito nagustuhan ni Janno kaya ito ang isinagot niya, ”Nagpakumbaba na po ako. Tiniis ko ang pangbabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi na po ako ng tawad, kahit na siya ang tunay na nag-umpisa ng lahat. I was provoked.

“Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. Pinag-ayos na po kami kanina. Akala ko ay ayos na.  Tinanggap ko na po kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nag-post na naman siya.

“Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko na po kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak na nakatatanggap din ng batikos sa mga tao.

“Oras na para malaman ng tao ang buong katotohanan.”

Sa madaling salita hindi pa rin sila okay. At may nakarating sa aming tsika na nakarating sa management ang nangyaring palitan ng post. Ang ending, hindi na pinag-report ang dalawa sa dapat sana’y live na Happy Time kahapon. Iba ang nag-host ng kanilang show, si Anjo Yllana na datihang host kasama sina Mico Asaytona, Boobsie, at CJ Hirro.

Hindi na sila pinag-report, ang ibig sabihin ba nito’y tsinugi na sila?

May tsika pang kaya nagawa ni Janno na umano’y magmura sa show ay dahil na-provoke siya ni Kitkat. May sinabi raw si Kitkat na ikinapikon ng actor/TV host. Ano kaya ‘yun? Sana’y makausap natin pareho sina Kitkat at Janno.

Sa kabilang banda, sakaling tsinugi na nga sina Kitkat at Janno, may nakapagkuwento sa aming nagpapa-alam na naman talaga si Kitkat noong pinag-aayos sila. Pinigilan lamang ito ng management at ayaw nang palakihin pa.

Well, sayang naman kung inalis na nga sina Kitkat at Janno sa Happy Times, parehong talented ang mga ito at kahit paano’y unti-unti ng pumipik-ap ang kanilang show.

Ang tanong ng bayan, pabalikin pa kaya sina Kitkat at Janno ngayong araw?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top