Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Agimat ng Agila ni Bong inaabangan na
Agimat ng Agila ni Bong inaabangan na

Agimat ng Agila ni Bong inaabangan na

MALAPIT nang magsimula ang Agimat ng Agila serye ni Sen. Bong Revilla sa GMA.

Unang naisalang sa taping ang child actor na si Miggs Cuaderno na maraming natuwa dahil makakapanood na raw sila ng matinong istorya sa television. Puro kasi istoryang tumatakbo sa agawan sa lalaki, laitan, murahan, sampalan, at patayan ang karaniwang plot na napapanood.

Well, iba ang tema ng Agimat ng Agila ni Bong dahil maaksiyon ito na tulad ng mga ginagawa niya noon sa kanyang mga pelikula. Matagal ding hindi nakakapanood ang mga tagahanga niya ng ganitong klase ng panoorin.

Well hintayin na lang dahil malapit na itong bumulaga ngayong Mahal na Araw.

Isa si Sanya Lopez sa magiging leading lady ni Bong na maganda na, may ibubuga pa sa acting.

 

 (VIR GONZALES)

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top