Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Tattoo artist timbog sa drug bust sa Benguet State U
Tattoo artist timbog sa drug bust sa Benguet State U

Tattoo artist timbog sa drug bust sa Benguet State U

NADAKIP ang isang tattoo artist sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa loob ng Benguet State University (BSU) campus sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet, nitong Lunes, 22 Pebrero.

Kinilala ang suspek na si Christian Gray Cuña, alyas Ischan,tubong lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna.

Nakuha ng pulisya mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P14,076.

Ikinasa ang opera­syon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Criminal Investigation and Detection Group, at lokal na pulisya matapos isailalim sa surveillance ang suspek.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top