Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Tanod sa Quezon timbog sa ‘hot gun’
Tanod sa Quezon timbog sa ‘hot gun’

Tanod sa Quezon timbog sa ‘hot gun’

ARESTADO ang isang barangay tanod sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon dahil sa ilegal na pag-iingat ng baril, nitong Lunes ng gabi, 22 Pebrero.

Nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alexander Cabula, 49 anyos, tanod ng Brgy. Bignay I, sa naturang bayan, dahil sa pagdadala ng hindi dokumentadong kalibre .45 pistol dakong 8:30 pm kamakalawa.

Nabatid na sinita ng isang pulis si Cabula dahil sa pistol grip na nakalabas sa kanyang baywang.

Walang naipakitang permit at lisensiya ng baril ang suspek nang hingan siya nito ng mga awtoridad.

Nakapiit ngayon si Cabula sa kulungan ng Sariaya police at nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of firearms and ammunition sa ilalim ng Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top