Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gina isinalba sa pagkabaliw ng Tiktok
Gina isinalba sa pagkabaliw ng Tiktok

Gina isinalba sa pagkabaliw ng Tiktok

AMINADO ang aktres na si Gina Pareño na naaaliw siya sa TikTok at iyon ang kanyang naging aliwan sa panahon ng lockdown, at sa salita niya, iwas sa pagkabaliw. Talagang mahirap din naman ang naranasan niyang lock down. Hindi siya basta-basta makalabas at hindi rin makapag­trabaho dahil senior citizen na siya.

Si Gina iyong hindi ka­ila­ngang mag­trabaho talaga para sa kanyang pangangailangan. Kaya niyang mamuhay nang maginhawa hindi man siya magtrabaho, pero nakasanayan na niya iyan eh, artista siya. At hindi biro para sa kanya ang isang taong lockdown. Hangg­ang ngayon lockdown pa rin tayo dahil nabigo ang gobyerno na makakuha ng bakuna, at ang dumating ay iyong donasyon lang na Sinovac, na sinasabi ng FDA na 50% effective lang, kaya ni ayaw nilang ipagamit sa frontliners.

Ngayon nga, sa kabila ng sinasabi ng NEDA na kailangang mas luwagan na ang ating lockdown para mabuhay ang industriya at makabalik na sa trabaho ang maraming nagugutom,  hindi nga magawa iyon dahil wala pa talagang dumarating na mahusay na bakuna.

At marami tuloy ang ayaw pang magpa-bakuna.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top