Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Abdul Raman, ‘di na takot kay Cherie Gil
Abdul Raman, ‘di na takot kay Cherie Gil

Abdul Raman, ‘di na takot kay Cherie Gil

PARA sa Kapuso actor na si Abdul Raman, isang karangalan ang mapasama sa cast ng upcoming cultural drama series na Legal Wives. Bukod kasi sa pagpapakita nito ng kultura ng mga Muslim, ito rin ang pagkakataon ni Abdul na makatrabaho ang batikang aktres na si Cherie Gil na isa rin sa mga nagsibling judge ng StarStruck  Season 7 na roon siya nagsimula.

Kung noon ay may takot siya rito, nawala na rin iyon ngayong mas nakilala na niya ang award-winning actress.

Wika ni Abdul, ”She’s like a second mother to me, parang ganoon na rin ang turing ko sa kanya. She’s a really, really nice and I love her. I would really love to work with her again in the future teleserye.”

Bibida sa serye sina Dennis Trillo at mga aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali. Bahagi rin ng Legal Wives sina Al Tantay, Irma Adlawan, Shayne Sava, Ashley Ortega at marami pang iba.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top