Wednesday , April 24 2024

Sa Expanded Caravan ng Zambales PNP 100+ residente biniyayaan

NAKINABANG ang mahigit 100 residente sa libreng serbisyo na handog ng mga kagawad ng Candelaria Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang hepeng si P/Maj. Horace Zamuco, sa ilalim ng superbisyon ni P/Col. Romano Cardiño, direktor ng Zambales Police Provincial Office, sa paghahatid ng Expanded Caravan nitong nakaraang Biyernes, 19 Pebrero, sa Brgy. Taposo, bayan ng Candelaria, sa lalawigan ng Zambales.

Kaantabay din sa ginanap na outreach program ang pamahalaang lokal ng Candelaria, 33 Mechandize Co., PA, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Depertment of Agriculture, Department of Health, Guardians, Tau Gamma Phils., at Kabataang Kontra Droga at Terorismo, sa pagsasagawa ng medical mission, libreng gupit, tuli, pagkuha ng police clearance at Cedula, pamimigay ng tsinelas, at feeding program.

Pinaliwanagan din ng mga kawani ng DOH ang mga residente hinggil sa CoVid-19 at ang importansiya ng pagsunod sa safety health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield, palagiang paghuhugas ng mga kamay, paggamit ng alcohol, at social distancing upang makaiwas sa pagkahawa ng virus.

Binigyan din ng food packs ng mga awtoridad ang mahihirap na residente sa liblib na barangay ng Taposo. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *