Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marco mala-Gary V sumayaw at kumanta
Marco mala-Gary V sumayaw at kumanta

Marco mala-Gary V sumayaw at kumanta

MARAMI ang nagulat sa husay kumanta at sumayaw ni Marco Gomez na animo’y si Gary Valenciano.

Marami ang napa-wow at humanga kaya naman marami ang nagsabing  puwedeng maging recording artist at sundan ang yapak ni Gary.

Talented ang alagang ito ng 3:16 Productions  ni Len Carillo, mula sa pagkanta at pagsayaw, magaling ding umarte.

First time naming narinig itong kumanta ng solo dahil mas sanay kami na napapanood itong kumakanta at sumasayaw kasama ang grupo niyang Clique V.

Hindi nga namin naiwasang mag-goosebumbs nang kantahin nito ang True Colors  na pinasikat ni Cindy Lauper na ginawan niya ng sariling version. Habang ‘di naman maiwasang maluha ng isa sa kasamahan sa panulat na nadala sa naging interpretation ni Marco sa nasabing awitin.

(JOHN FONTANILLA)

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top