Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Little Miss Philippines 2021 ng Eat Bulaga, online na rin
Little Miss Philippines 2021 ng Eat Bulaga, online na rin

Little Miss Philippines 2021 ng Eat Bulaga, online na rin

Isa sa popular na Pakontes sa Eat Bulaga ang kids beauty pageant na “Little Miss Philippines” na sinimulan noong 1984 na ang pinakanaging popular na winner noong 1987 ay si Aiza Seguerra (Ice) at Ryzza Mae Dizon, 2012 grand winner.

Good news sa lahat ng little girls, ngayong new normal ay ibinabalik ng EB ang Little Miss Philippines sa online edition.

Kaya hindi na kailangang pumila pa sa APT Studios, ang gagawin lang ay magpadala ng video ng inyong mga anak para sa audition at kapag isa siya sa napili ay maghintay ng tawag.

Ang segment na question and answer at talent portion na nakaugalian nang mapanood nang live sa studio ay sa bahay ng contestant gagawin via Zoom na mapapanood sa Eat Bulaga.

So mas komportable ito at hindi na kailangan pang gumastos para makasali. Abangan ang LMP Online Edition, at malapit na.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top