Thursday , May 6 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Phoebe Walker may international series
Phoebe Walker may international series

Phoebe Walker may international series

GOING international na si Phoebe Walker dahil mapapasama siya sa isang international series.

Ayaw pang magdetalye ni Phoebe dahil baka raw maudlot, ikukuwento na lang niya ang buong detalye kapag nagsimula na siyang mag-shooting next month.

“Next month mag start na kami sa international series po. Confidential ang details, small role lang po ako pero big project siya,” ani Phoebe.

Bukod sa nasabing series, may isa pang pelikula at series itong ginawa sa Viva Films, ito ay ang Parang Kayo Pero Hindi na napapanood na sa Vivamax.

Kuwento  ni Phoebe ukol sa role niya sa Parang Kayo Pero Hindi”Officemate po ako ni Xian Lim, parang kami pero hindi, bale no label kay may masasaktan.”

At kahit nga pandemic, ratsada pa rin sa dami ng proyekto si Phoebe na ipinag­papasalamat niya sa Diyos at sa kanyang home studio, Viva Entertainment na nanganga­la­ga sa career niya.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top