Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Panalangin kay Richard Merk hiniling
Panalangin kay Richard Merk hiniling

Panalangin kay Richard Merk hiniling

HUMIHINGI ng panalangin si Richard Reynoso para sa kanyang kaibigan at singer ding si Richard Merk, matapos na iyon ay ma-stroke habang natutulog noong Pebrero 11. Malakas naman ang loob at talagang lumalaban sa kanyang karamdaman si Richard na naka-confine pa rin hanggang ngayon sa Makati Medical Center.

Naalala ni Richard Reynoso na noong siya rin ay maoperahan sa lalamunan, dahil noong una ay may suspetsang cancer nga iyon, isa si  Merk sa mga kaibigang unang dumamay sa kanya, kaya hinihiling naman niya sa kanyang mga kaibigan na ipanalanging maka-recover iyon.

Nagpunta pa si Reynoso sa shrine ni Santo Padre Pio, na kilalang patron ng mga may sakit upang doon ipagdasal si Merck.

Si Merk ay kinikilalang isa sa pinakamahusay na jazz singer sa ating bansa. Sinasabing iyon ang talent na minana niya sa kanyang ina, ang kinikilalang “Queen of Jazz” na si Annie Brazil.

Bumubuti naman daw ang kalagayan ni Merk sa ospital.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top