Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hiling ni Valentine kay Kim natupad
Hiling ni Valentine kay Kim natupad

Hiling ni Valentine kay Kim natupad

NATUPAD ang hiling ni Valentine Rosales na makatanggap ng birthday greeting mula sa Kapamilya actress na si Kim Chiu.

Si Valentine ang isa sa 12 respondents na sinampahan ng reklamong rape with homicide ng pamilya ni Christine Dacera.

February 14 pala talaga siya ipinanganak kaya Valentine ang ipinangalan sa kanya.

Nag-tweet si Valentine na sana ay batiin siya ni Kim, na kanyang peg sa pagiging “sweet.”

Sinamahan iyon ni Valentine ng shy, heart, at praying emojis.

Nakarating kay Kim ang hiling ni Valentine. Kinabukasan, February 15, nag-tweet si Kim ng sweet birthday greeting para kay Valentine.

Tweet ni Kim: ”Hi VALENTINE! happy birthday and happy valentines sayo! Face throwing a kiss hihihi stay sweet as you are!”

Parang napatili si Valentine nang matanggap ang mensahe ni Kim. Puno ng happy emojis ang kanyang tweet back kay Kim.

Ani Valentine: ”WAAAAAAAAA!!!! Sobrang sayaaaa kooo!!! Thank you @prinsesachinita!!! Best Birthday/Valentines Gift ever!!!!

“MY GOSH!!!! AYOKO NAAA SOBRANG NA TOUCH AKO!!!! Iloveyou @prinsesachinita.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top