Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Atty. Candy Tan bibitaw na sa BI-POD?
Atty. Candy Tan bibitaw na sa BI-POD?

Atty. Candy Tan bibitaw na sa BI-POD?

GAANO kaya katotoo ang lumalabas na balita na nagpapaalam para bumaba si Atty. Candy Tan bilang hepe ng Bureau of Immigration – Port Operations Division (BI-POD)?

Ito raw ngayon ang usap-usapan sa tatlong terminals ng NAIA na nakariringgan daw ng “swan song” si Atty. Candy matapos ang kanyang ilang buwang panunungkulan bilang acting chief ng isa sa pinakasensitibo at pinakakontrobersiyal na posisyon sa BI.

Sa mahigit apat na taong panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon, tatlong beses nang nagpalit ng hepe ang BI-POD.

Hindi gaya ng ibang dibisyon sa BI na nagtatagal ang kanilang Division Chief, ang POD ay masyadong malawak ang sakop dahil sa rami ng operatiba nito.

Maraming units o section ang nasa ilalim ng POD gaya ng Airport Operations Section, Anti-Fraud Section, SOCU, QMU, etc., dito sa POD ay talaga namang toxic ang maging isang ‘chief.’

Dapat ay mayroong “moral ascendancy” ang karakter ng magaling na lider para mapasunod ang mga tao sa mga dapat niyang ipatupad.

Alam naman natin na iba-iba ang ugali ng bawat IO. Mayroon diyang mabait, may mga pasaway, may reklamador, may bida-bida, may traydor, tadtad din ang sipsep at may ilang mahilig umatungal!

Lalo kapag na-demote o ‘di kaya ay hindi ma-promote!

Ganern?!

Kung totoo man ang balita na magpapalit na naman ng liderato sa POD, panigurado na magpapalit rin ng kanyang mga bitbit na tao!

Ayokong manghusga sa kanyang performance since masyadong maikli pa ang panahong nasa POD si Madam Atty. Candy.

Ngunit base sa obserbasyon natin sa mga dating lawyers na namuno sa dibisyong ‘yan, masasabi natin na mas effective pa rin kumbaga ang hepe na may mahabang experience sa pagpapatakbo ng airport at kilala ang pagkatao ng bawat IO.

Galaw lang ng mata ng tao riyan, dapat ay alam niya kung tulisan o hindi.

‘Yun lang naman po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top