Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Apl de Ap aprub raw kay Sharon Cuneta (Para sa daughter na si KC)
Apl de Ap aprub raw kay Sharon Cuneta (Para sa daughter na si KC)

Apl de Ap aprub raw kay Sharon Cuneta (Para sa daughter na si KC)

SA RECENT interview ni Cristy Fermin kay Sharon Cuneta para sa programa nito sa Radyo Singko with Rommel Chika na “Cristy Per Minute” ay mabilis na sinagot ni Sharon ang tanong sa kanya ni Cristy na kung pabor ba siya sa napapabalitang may relasyon na ang daughter na si KC at ang sikat na miyembro ng Black Eyed Peas na si Apl de Ap?

Sagot ni Mega, although wala pa raw sinabi o inaamin sa kanya si KC, oo naman daw aprub sa kanya si Apl at nagbiro pa na magkakaroon daw siya ng apo na kamukha ni Beyonce, kasi black guy nga itong si Apl. Nang hingin naman ang opinyon ni Shawie kung ano ang masasabi niya sa pagbubukas ng mga sinehan ngayong Marso ay hindi sumang-ayon ang megastar at iniisip niya ang kapakanan at kalusugan ng mga kababayan.

Marami naman daw digital platforms na puwedeng mapapagpilian sa entertainment. Ibinalita rin niya na marami siyang mga gagawing projects this year na two movies, concert, recording, endorsements.

Mapapanood na rin uli siya sa Your Face Sounds Familiar bilang isa sa mga judges.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top