Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / World premiere ng Owe My Love, wagi
World premiere ng Owe My Love, wagi

World premiere ng Owe My Love, wagi

NAGSIMULA na nga nitong Lunes, February 15, ang Kapuso romantic-comedy series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Winner ang #SenMig sa viewers dahil nakakuha ito ng overnight NUTAM People rating na 11.5 percent, ayon sa data ng Nielsen Phils.

Certified trending din ito last Monday nang makasama sa list of top trending topics nationwide sa Twitter.

Agad namang nag-post about this si Lovi, ”Anong sabi ng Yellow Ranger costume ni Sensen? Trending tayo kagabi! Thank you for watching our Pilot last night! Mamaya ulit! Ravaaaan!”

Dagdag din ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, ”Thank you for watching! Our pilot episode is trending ‘cause of you guys! Umpisa pa lang ‘yan! We’re just getting warmed up.”

Mapa­panood ang Owe My Love tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m., sa GMA Network.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top