Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Klea sa pagiging piloto — nakaka-proud akala panlalaki lang
Klea sa pagiging piloto — nakaka-proud akala panlalaki lang

Klea sa pagiging piloto — nakaka-proud akala panlalaki lang

DREAM come true para kay Klea Pineda ang mabigyan ng pagkakataong magpalipad ng eroplano.

Ibinahagi ng Magkaagaw star sa kanyang Instagram account ang ilang snippets ng kanyang training experience habang siya ay nasa cockpit ng isang maliit na eroplano na tinuturuan ng isang professional.

“Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang titigil mangarap,” caption ng kanyang post.

Hindi ito ang unang beses na ipinahayag ni Klea na gusto niyang maging piloto.

Sa kanyang Get to know Me Better vlog, ipinaliwanag ni Klea kung bakit isa ito sa kanyang mga pangarap. ”Isa ‘yun sa dream ko na maka-graduate ng aeronautics. ‘Yung pagpi-piloto, gusto kong ma-prove sa mga tao na hindi lang panlalaki ‘yun. Well, marami na rin piloto na babae ngayon and gusto kong maging isa roon. Parang nakaka-proud na nagagawa mo ‘yung akala ng tao before na panlalaki lang talaga.”

Samantala, abangan si Klea sa Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA-7.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top