Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bagong DJ ng Barangay LSFM artistahin
Bagong DJ ng Barangay LSFM artistahin

Bagong DJ ng Barangay LSFM artistahin

ARTISTAHIN ang dating ng bagong DJ ng Barangay LSFM 97.1 Forever, si Papa King o Adam Franco.

Tubong Davao City si Papa King na may taas na 5’9″. Mahilig siyang sumayaw, kumanta, mag-beat boxing, voice acting, mag-host atbp..

Mahilig din itong tumugtog ng iba’t ibang instruments tulad ng guitar at ukulele. Favorite sports naman niya ang basketball at chess.

Pero bago naging DJ si Papa King ng LSFM, naging game show at travel show host ito sa Davao. Kinuha ng MORok Davao, naging housemate sa PBB at naging MOR DJ sa Manila.

Masaya nga si Papa King bilang DJ dahil nakakapagpasaya siya ng mga listener ng Barangay LSFM. ”Mas piliin mong maging masaya at magpasaya,” aniya.

Mapakikinggan si Papa King sa Talk To Papa kasama si Papa Marky tuwing Marters at  Huwebes, 9:00 a.m.-12nn at tuwing Sabado at Linggo kasama si Papa Ace  at sa  Forever Request, tuwing Linggo, 3:00-6:00 p.m..

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top