Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza Javier, nagiging paboritong cover sa international glossy magazine
Liza Javier, nagiging paboritong cover sa international glossy magazine

Liza Javier, nagiging paboritong cover sa international glossy magazine

After maging cover ng Regal Beauty Magazine USA ang ngayo’y isang certified recording artist na si Liza Javier ay siya rin ang kinuha para maging cover naman ng Asian Glamour Glossy Mag na circulated rin sa buong Amerika at mabibili ang bawat kopya nito sa halagang 10 dollars.

According to Liza, para roon sa mga taga-Maynila, Japan, Hong Kong, Australia at iba pang bansa sa Asya ay puwede kayong mag-grab ng copy nito via online. Kasamang na-feature ni Liza sa Asian Glamour ang mga sikat na international stars.

Well, happy kami for our dear friend Ms. Liza na isang popular deejay sa Japan at musician na mahusay tumugtog ng piano plus isa rin siyang teacher sa land of the rising sun.

At yes sabay-sabay na ipino-promote ni Liza ang cover sa magazines at ang kanyang first single na “Sayang Lang.” Composed ito ng kanyang longtime friend na si Rene “Alon” Dela Rosa, ang composer at singer ng phenomenal hit noong early 2000 na Pusong Bato.

In fairness to Liza, sobrang sipag niyang mag-promote ng kanyang single na soon ay maida-download na sa Spotify at ibang digital music stores.

Sabi niya nang huli namin siyang maka-chat, thankful siya sa kare-release niyang single na marami na ang nagkagusto at malakas rin ang feedback sa tuwing guest siya sa iba’t ibang AM and FM stations at digital show sa abroad.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top