Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Herbert bautista, ginagawang playboy
Herbert bautista, ginagawang playboy

Herbert bautista, ginagawang playboy

MUKHANG pinalalabas naman yatang masyadong playboy si Herbert Bautista. Kung kani-kanino siya inili-link at ngayon kabilang pa si Ruffa Gutier­rez. Mabilis namang nag-deny si Ruffa at kung pag-aaralan mo nga ang mga naging boyfriends ni Ruffa, wala isa man sa mga iyon ang katipo ni Bistek. Ibig sabihin, malabo talaga.

Si Mayor Bistek naman, apat na ang kanyang mga anak, at lately kapansin-pansin ngang hinaharap naman niya ang kanyang resposibilidad sa mga anak na sinasabi niyang napabayaan niya noong siya ay nanunungkulan pa bilang isang public official, dahil doon nabuhos ang lahat ng kanyang panahon na sa palagay namin tama naman.

Ang problema naman kasi rito sa atin magkasama lamang sa isang proyekto ang mga artista, ginagawan na agad nila ng tsismis. Hindi naman tama iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top