Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arci, pinadalhan ng roses ang sarili
Arci, pinadalhan ng roses ang sarili

Arci, pinadalhan ng roses ang sarili

MAY kuwento rin ng magiting na self-love na napabalita.

Dahil parang walang boyfriend ngayon si Arci Muñoz at ang feeling n’ya ay walang magpapadala ng mga bulaklak sa kanya, siya mismo ang nagpadala ng sangkatutak na red roses sa sarili n’ya.

Actually, siya rin mismo ang nagbalita niyan sa Instagram n’ya. Naglagay pa siya ng video ng pagdi-deliver ng mga rosas sa kanya. Pero ‘di n’ya inamin agad sa mga nakasaksi ng paghahatid ng mga rosas na mula rin ‘yon sa kanya.

Sa mga nag-aral ng kursong “Self-love and Wellbeing,” isa ‘yon sa mga pangunahing turo. Kung walang nagreregalo sa iyo at gusto mong maranasan ang pagtanggap ng idini-deliver na regalo, eh ‘di padalhan mo ang sarili mo.

May netizens na nag-comment na next year ay gagawin din nila ‘yon. Pero ‘di na kailangang hintayin ang susunod na Valentine’s Day, once a week o once a month ay pwede kayong magpa-deliver ng regalo sa sarili n’yo.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top