Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kim may watch business
Kim may watch business

Kim may watch business

HINDI na talaga maawat sa pagnenegosyo si Kim Rodriguez dahil bukod sa milk tea at clothing line business, may sarili na rin siyang relo, ang “ Levitikus.”

Ani Kim, ”Natuwa lang ako noong nakita ko ‘yung watch ang ganda niya and puwede siya sa lahat ng occasion kaya nagkaroon ako ng idea na gawin na ring negosyo.

“Ito bale ang bago kong negosyo dagdag sa mga nauna.

“Sa panahon kasi ngayon dapat isipin ‘yung future, katulad sa aming mga artista ‘di naman lifetime ‘yung trabaho namin. So, kailangan na habang bata pa mag-ipon at mag-invest sa negosyo.”

Bukod sa negosyo, binibigyang oras din ni Kim ang pagbi-Bigo live at Youtube kasama ang mga kaibigang sina Ynez Veneracion at Chichi Rita (KimChiNez) na ang content nila ay travel.

Mapapanood din si Kim sa The Lost Recipe at dalawang pelikula ang ginagawa.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top