Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn at Daniel sa usaping kasalan: May pinag-usapan na tayo ‘di tayo dapat ma-late
Kathryn at Daniel sa usaping kasalan: May pinag-usapan na tayo ‘di tayo dapat ma-late

Kathryn at Daniel sa usaping kasalan: May pinag-usapan na tayo ‘di tayo dapat ma-late

MAY pandemya man, sinorpresa pa rin ng Pinoy showbiz idols ang madla sa iba’t ibang paraan nila ng pagdiriwang ng Valentine’s Day. Heto ang ilan sa mga iyon.

Ibinunyag ni Daniel Padilla sa vlog ng girlfriend n’yang si Kathryn Bernardo noong mismong Valentine’s Day na may usapan na sila kung kailan sila pakakasal at umaasa siyang susundin ‘yon ni Kathryn.

Mistulang babala ni Daniel kay Kathryn: ”’Pag ready na tayo, pero may pinag-usapan na tayo na dapat ‘di ba? Hindi na tayo dapat ma-late pa roon.

“Mahirap ‘pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi na babalik ang oras.”

Ang pasakalye ni Daniel sa pahayag n’yang ‘yan ay, ”Alam mo na ‘yung sinabi ko sa iyo na minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo na napapansin, napag-iwanan ka na.

“Tandaan niyo ‘yan, minsan puro na lang tayo, ‘Gusto natin ito, gusto pa natin gawin ito.’ Magigising ka na lang, ‘Naiwan na ako.’”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top