Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jeric handa nang magpakita ng butt
Jeric handa nang magpakita ng butt

Jeric handa nang magpakita ng butt

DARING si Jeric Gonzales sa  Magkaagaw, pero dahil serye ito sa telebisyon, may hang­ganan ang puwedeng ipakita niyang kaseksihan.

Sa pelikula, hanggang saan kaya ng Kapuso hunk na magpaseksi?

“After this? Siguro kaya ko na siyang gawin kapag natapos ko ito (Magkaagaw). 

“So kung gagawin ko siya sa susunod, mas mae-explore ko pa siya, mas madali na.”

Kaya ba niya ang ginawang pagpapaseksi nina Marco GumabaoEnzo Pineda, at Tony Labrusca sa mga pelikula ng mga nabanggit? Kaya ba ni Jeric ang butt exposure at pumping scene sa pelikula?

“Why not, why not? Sa tingin ko kaya ko na siya, at this point.”

Kaya ni Jeric magpakita ng puwet pero hindi ang frontal nudity.

“Puwet lang,” ang sabi pa ng Kapuso hunk.

Samantala, nagsimula na nitong Lunes (Pebrero 15), ang fresh episodes ng Magkaagaw.

Sa pagpapatuloy ng seryeng pinangugunahan nina Jeric, Sunshine Dizon, Klea Pineda, at Sheryl Cruz, mas matitinding harapan at tapatan ang aabangan ng mga manonood. Tuluyan na nga bang magwawagi si Veron (Sheryl) sa kanyang paghihiganti?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na eksena sa all-new episodes ng Magkaagaw, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top