Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Prostitution den sinalakay sa Pampanga 52 kababaihan nailigtas, 5 bugaw timbog
Prostitution den sinalakay sa Pampanga 52 kababaihan nailigtas, 5 bugaw timbog

Prostitution den sinalakay sa Pampanga 52 kababaihan nailigtas, 5 bugaw timbog

NAILIGTAS ang aabot sa 52 kababaihan habang arestado ang limang mga bugaw sa isinagawang pagsalakay sa isang prostitution den ng mga kagawad ng Special Concern Unit (SCU), Anti- Trafficking Task Group RATG), at Mabalacat City Police Station ng PRO3-PNP at DSWD 3 nitong Biyernes, 12 Pebrero, sa Fontana Leisure Park, Clark Free Port Zone, lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang mga naarestong suspek na sina Lauren Sta. Iglesia, Alyssa Bautista, kapwa ng lungsod ng Angeles; Hazel Sanchez, ng lungsod ng Mabalacat; Meli Nago, ng bayan ng Binangonan, lalawigan ng Rizal; at Prince Cedrick Galang, ng bayan ng Bantog, lalawi­gan ng Tarlac, pawang mga bugaw sa KTV bar na hinihinalang sangkot sa prostitusyon.

Sa imbestigasyon, nagpanggap na kostumer ang mga operatiba at pumili ng kanilang natiti­po­hang babaeng ibinubu­gaw ng mga suspek sa halagang napagkasun­duan kapalit ng puri ng biktima.

Sa pahayag ng ibang biktima, modus ng esta­blisimiyento ang pagha-upa ng mga modelo sa pamamagitan ng online recruitment ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay prostitusyon ang kanilang kasasadla­kan.

Kasalukuyang tinutu­gis ng mga awtoridad ang operator ng KTV bar, habang papatawan ng kasong paglabag sa RA 10364 o Anti-Trafficking in Person Act of 2012 ang mga suspek na nasa kustodiya ng raiding team.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top