Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carla kabado ‘pag kaeksena si Coney
Carla kabado ‘pag kaeksena si Coney

Carla kabado ‘pag kaeksena si Coney

MALAKING suporta si Coney Reyes sa Love of my Life nina Carla Abellana Tom RodriguezRhian Ramos, at Mikael Daez dahil mistulang pinipiga ang acting nila tuwing kaeksena ang beteranang aktres.

Magaling na aktres si Coney kaya kung lalamya-lamya kang umarte tiyak lalamunin ka niya.

Tahimik din lang umarte si Coney na bukod tanging mapapansin ang kanyang mga mata. Bihira rin siyang mag-smile kaya malaking tsika kapag napatawa siya sa set.

Kahanga-hanga naman sina Rhian at Mikael na walang takot humarap sa confrontation scene kay Coney. Malaking pasasalamat ng dalawa na naging ganap silang artista kapag nakakatapos ng eksena.

Maging si Carla ay kabado rin kapag kaeksena nila si Coney dahil mukhang istrikta ito. Pero in real life, isang masayahin at mabait na aktres.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

 

 

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top