Saturday , May 8 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Bar sa Angeles City sinalakay 35 dancers nasagip, Koreano, 4 empleyado tiklo
Bar sa Angeles City sinalakay 35 dancers nasagip, Koreano, 4 empleyado tiklo

Bar sa Angeles City sinalakay 35 dancers nasagip, Koreano, 4 empleyado tiklo

HINDI nadatnan ng mga awtoridad ang operator ngunit arestado ang manager na isang Korean national at apat niyang kasamahan, habang nasagip ang 35 dancers sa ikinasang pagsalakay sa Sensation Gogo Bar sa entertainment district ng Fields Ave., Balibago, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan ang mga suspek na sina Taekwong Byun, alyas Kevin, Korean national, manager; Charym Torres, kahera; Feliciano Bayani, make-up artist; Joyce Wells, bugaw; at Magnalen Abad, mga residente ng lungsod ng Mabalacat.

Samantala, nakatakas ang operator/may-ari ng Sensation Gogo Bar na kinilalang si Retchard Yongco na kasalukuyang tinutugis sa follow-up operation.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa RA 10364 o Anti-Trafficking in Person Act ang mga naarestong suspek. (R.SUSCANO)

About Raul Suscano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top