Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / David akala’y papogi lang ang showbiz
David akala’y papogi lang ang showbiz

David akala’y papogi lang ang showbiz

ISANG kuwento nang pag-iibigan ng magkaibang lahi at paniniwala. Pagpili sa pamilya at minamahal. Ipinagbabawal sa tradisyon ng mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kalahi lalo na sa anak na lalaki. Alamin ang mga pinagdaanang hirap masunod lamang ang puso.

Tunghayan ngayong Sabado, araw ng mga puso, February 14, 8:00 p.m.. sa GMA ang masalimuot na pagmamahalan nina Richard at Melody na pinamagatang The Richard Yap Love Story sa Magpakailanman.

Pinagbibidahan ito nina David Licauco at Shaira Diaz at idinirehe ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco at  pananaliksik ni Angel Launo.

Speaking of David Licauco, dati pala ay hindi siya seryoso sa pag-aartista.

“I mean akala ko before ‘yung showbiz is a privilege. Parang tingin ko wala lang siya, parang pogi ka lang, ganoon.”

Pero nabago ang pananaw niya. “It’s a deeper thing. ‘Yung acting is a craft and hindi lang siya puro papogi and ‘yun, trabaho siya. Real world, hindi siya madaling trabaho and iyon, mas okay ‘yung ngayon kasi feeling ko mas na-appreciate ko ‘yung showbiz because parang mayroong kang voice to influence others.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top