Monday , August 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angeline nabuking ni Vice Ganda patola, handcuffed, sleep mask sa ilalim ng kama
Angeline nabuking ni Vice Ganda patola, handcuffed, sleep mask sa ilalim ng kama

Angeline nabuking ni Vice Ganda patola, handcuffed, sleep mask sa ilalim ng kama

PARA saan ang handcuffed at sleep mask na nakuha sa ilalim ng kutson at malaking patola na nasa loob ng punda ng unan ni Angeline Quinto na nakita ni Vice Ganda sa isinagawa nitong house raid sa bahay ng singer/actress?

Sa simula ay may disclaimer na dumaan sa swab testing sina Vice at Angeline bago isinagawa ang house raid.

Kinakatok ni Vice si Angeline na nasa banyo na hindi alam ng huli na dumating na at tinanong kung sino at nang magpakilala ang una, ”Huy, ate, (teka lang) tumatae ako!” sabay bukas ng pinto ni Angge na nagulat dahil may nakatutok na camera sa kanya.

Bakit ka nandito, ”bakit nami-miss kita,” sambit ng ‘Showtime’ host. ”Aba dati labas pasok ako Rito, ngayon kinukuwestiyon mo na ang pagpunta ko sa bahay mo?”

At nagpa-serve ng dinner ang dalaga sa tabi ng pool nila at dahil naka- sleeveless si Angge ay napansin ang upper bumper niya ni Vice, ”ang laki ng dede niya, nagpabawas na ‘yan.”

Ibinuking din ni Vice na nuoong pumunta siya sa bahay ni Angeline ay nadatnan niya si Aaron Villaflor na ikinatawa ng dalaga at sabay alis na matagal bago bumalik.

Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya na si Vice sa kuwarto ni Angge na iyon ang gusto niyang i-raid na panay naman ang pigil sa kanya ng dalaga.

Kung ano-anong tiningnan ni Vice sa paligid ng kuwarto ni Angeline hanggang sa magkuwentuhan  sila habang nakahiga sa kama, ”kung inaantok ka, sana roon ka na sa inyo matulog,” hirit ng dalaga.

Katwiran ni Vice, ”house raid nga, kapag house raid tinitingnan kung ano ang mga laman.”

Panay ang kalikot ng TV host sa mga malalaking unan ni Angge, ”ano ‘to? Bakit ang bigat sabay tingin (isang malaking patola).  Ano ‘to Angge? (hiyang-hiya naman ang dalaga na yumuko na lang sa katatawa).

“Bakit may ganito ka sa kuwarto? Bakit ka may patola sa kuwarto?” hiyaw ni Vice kay Angeline.

Hindi naman malaman ng singer kung anong tago ang gagawin sa hiya sabay sabing, ”ate Vice, suwerte ‘yan sa feng shui.”

“Hinihimas-himas mo ‘yan para makatulog ka ‘no?” tukso ni Vice kay Angge.

Ano pang mga gulay ang pinag­lalaruan mo? May mga talong ka rin siguro ‘no?” sabi pa ng host sabay tingin sa ilalim ng kutson at hayun nakita ang pulang handcuffed at sleep mask.

“Oh my God!  May dice (larawan ng iba’t ibang posisyon ng sex) WILD! (sabay tingin sa posas) ha, hahaha. And yes be naughty (nakasulat naman sa sleep mask). Yes be naughty, ha, ha. Anong pinaka-favorite mo rito Angge? (sabay pakita ng dice na may iba’t ibang posisyon ng sex). Kanino mo ito huling ginamit?” sunod-sunod na tanong ni Vice.

Hindi na malaman ng mang-aawit ang gagawin sa sobrang hiya at gusto ng lumubog sa kinatatayuan.

At dito na nahuli si Angeline sa tanong ni Vice, ”san mo ito nabili?” 

“Bigay lang,” sagot ng dalaga na ikinatawa nang husto ni Meme.

“Growl, wide si ate Girl (Angeline),” bulong ni Vice sa camera.

Naloka kami kay Angeline sa mga nabuking sa kanya, ano kaya iisipin ng mga nakapanood ng video na ito?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top