Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sanya bilang reyna ng showbiz — Marami pang dapat patunayan
Sanya bilang reyna ng showbiz — Marami pang dapat patunayan

Sanya bilang reyna ng showbiz — Marami pang dapat patunayan

SABI ni Sen.Bong Revilla, perfect choice si Sanya Lopez na napili ng GMA 7 sa maraming nag-audition para maging leading lady niya sa Agimat Ng Agila. Wala raw kasi itong arte sa katawan. At naniniwala siya na magiging future reyna sa showbiz ang dalaga.

Nag-chat kami kay Sanya para kunin ang reaksiyon niya sa sinabi ni Sen.Bong tungkol sa kanya.

“Actually, nakaka-flatter po tito Rommel kasi galing po ‘yan sa isa sa mga inirerepesto natin dito sa showbiz, si Senator Bong.

“Pero kung ako po tatanungin ninyo, ‘di ko nakikita sarili ko na puwedeng maging reyna. Marami pang dapat patunayan para po maabot ‘yon.

“Medyo matagal pa po ‘yon kung ibibigay talaga ni God sa akin. Tapos masaya rin po ako to work with Senator Bong. Happy kami sa set lagi. And masaya pong marinig from Sen Bong na nagustuhan niya ako to be her leading lady sa ‘Agimat Ng Agila,’” sabi ni Sanya.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top