Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ron Angeles bibida sa Love From The Past
Ron Angeles bibida sa Love From The Past

Ron Angeles bibida sa Love From The Past

WALA ng makapipigil sa pagsikat ng Pambansang Courier ng Pilipinas sa Ben X Jim na si Ron Angeles dahil kahit February pa lang, tatlong proyekto na ang nagawa.

Katatapos lang nitong mag-shoot ng dalawang malalaking projects (BL series). Una na ang B X J Forever ng Regal Entertain­ment na makakasama sina Teejay Marquez at Jerome Ponce na idinirehe ni Easy Ferrer. Sumunod ang first venture ni Jojo Bragais, ang Limited Edition na makakasama sina Andrew Gan at Jomari Angeles at idinirehe ni Jill Urdaneta.

At ang Pangatlo at nakatakdang gawin, ang Net 25 Original Love Drama Series na Love From The Past na ididirehe ni Joel Lamangan.

Gagampana dito ni Ron si Jacob, ex-boyfriend ni Claire Ruiz.

“Bale isa po ako sa bida rito kaya sobrang happy ako kasi after kong magbida sa ‘Limited Edition,’ bida ulit ako sa ‘Love From The Past’.

Makakasama ni Ron sa Love From The Past sina Lot Lot De Leon, Loyd Samartino, Francis Magundayao, Claire Ruiz, Nella Dizon, at  si Sean De Guzman ng Anak ng Macho Dancer.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top